Kishore Kumar Hits

Joey De Leon - Hikaw Lang lyrics

Artist: Joey De Leon

album: Joey To The World 2


Hikaw lang dati ang alahas mo
Ngunit bakit ka nagkaganyan?
Dumami na ang mga sabit
Halos buong katawan na
At mayro'n ka pa sa 'yong kuwan
Sa kuwan, at sa may ano mo pa
Pati sa ano, paano na 'yan?
Lahat, may barikada
Lagi na lang, pagsibasib ko
Sa mga rings, mga piercing mo
Labi't ngipin ko ay lagi na lang sumasabit
At no'ng minsan pa nga, oh, aking darling
Nalulon ko ang isa sa mga rings
Oh, ang labo mo, natawa ka pa sa akin

Hikaw lang, dating nasa katawan mo
Kahit na make-up, wala ka n'yan
Hikaw lang naman at wala nang iba
Pero ngayo'y nag-iba ka na
Tattoo mo ay all-over na
Lahat ng lugar ay mayro'n ka
Puwit, pusod, dibdib, kahit saan
Tattoo mo ay grabe na
Hippie'ng-hippie na s'ya, para s'yang dyaryo
Katawan n'ya ay parang comics
'Pag nagsa-shower s'ya, 'dI mo alam kung s'ya'y malinis
Pero what can I do? I can't do anything
Whatever, ako'y kanya pa rin
Ang name ko kasi, naka-tattoo sa kanyang singit
Hippie'ng-hippie na s'ya, para s'yang dyaryo
Katawan n'ya ay parang comics
'Pag nagsa-shower s'ya, 'dI mo alam kung s'ya'y malinis
Pero what can I do? I can't do anything
Whatever, ako'y kanya pa rin
Ang name ko kasi, naka-tattoo sa kanyang singit
Ang puti ng kanyang singit
Ang itim ng kanyang tattoo
But darling, remember this
With or without tattoo
I love your singit
Eh, I mean, I love you

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists