Alam kong ikaw ay nagtampo Nang tawagin kita nasabi ko'y ibang tao At iyo'y ikinagulat mo, mata mo'y nanlaki At tinanong mo kung sino Ang pangalan nasambit ko noo'y Linda Ang pangalan mo nga pala ay Minda 'Sensya na, 'pagkat tao lamang 'Sensya Na, nagkakamali rin Isang letra lang naman ang pagkakaiba Buti nga't depekto na tawag sa 'yo Alam kong ika'y galit pa rin nang tayo'y magswimming 'T-back kasi noon ang trunks ko At ako rin ay nagulat Nagkapalit pala kami nung date ko kagabi At ako agad sayo ay nagpalusot Sabi ko sa nanay ko ang nasuot 'Sensya na, 'pagkat tao lamang 'Sensya na, nagkakamali rin So, sa next time sa beach maligo Magswi-swiming na lang ako ng hubo 'Sensya na, 'pagkat tao lamang 'Sensya na, nagkakamali rin Ang pag-ibig ay buong buhay na 'syensyahan 'Sensya na, 'pagkat tayo ay tao lang Sensya na hindi naman ako singer, eh Pag-ibig na buong buhay na 'syensyahan 'Sensya ka na 'Cynthia Ay, ano nga ba, ahm? Basta may 'inda nasa dulo Basta may 'inda, 'yun na rin 'yon Ikaw naman, nagagalit ka, eh 'Sensya na, tao lang