Kapirasong langit, sa lupa'y nahulog Kinandong ng dagat, sa dibdib binusog Liwanag sa gabi, buwan ang nagsabog Hangin na kay lamig ang nagpapatulog Nakikita kita kahit nakapikit Yakap-yakap kita 'pag nananaginip Diwang lumilipad, may pakpak ang himig Ang awit na ito ay galing sa dibdib ♪ 'Pag nananalamin sa tubig na kristal Laging ang ganda mo ang nangingibabaw Oras ko ma'y bilang, papa'no ka iiwan? Ako'y nagbabalik, isang kaway mo lamang Mahal, kay ganda mo, mahal, ika'y tukso Nunal na maganda sa pisngi ng mundo Awit ng sirena, tagong paraiso Labi ng mahal ko na kay bango-bango ♪ Kapirasong langit, sa lupa'y nahulog Kinandong ng dagat, sa dibdib binusog Liwanag sa gabi, buwan ang nagsabog Hangin na kay lamig ang nagpapatulog Nakikita kita kahit nakapikit Yakap-yakap kita 'pag nananaginip Diwang lumilipad, may pakpak ang himig Ang awit na ito ay galing sa dibdib ♪ 'Pag nananalamin sa tubig na kristal Laging ang ganda mo ang nangingibabaw Oras ko ma'y bilang, papa'no ka iiwan? Ako'y nagbabalik, isang kaway mo lamang Mahal, kay ganda mo, mahal, ika'y tukso Nunal na maganda, sa pisngi ng mundo Awit ng sirena, tagong paraiso Labi ng mahal ko na kay bango-bango Mahal, kay ganda mo, mahal, ika'y tukso Nunal na maganda sa pisngi ng mundo Awit ng sirena, tagong paraiso Labi ng mahal ko na kay bango-bango Labi ng mahal ko na kay bango-bango