Kishore Kumar Hits

Marco Sison - Kuwento Ng Pag-ibig lyrics

Artist: Marco Sison

album: Mahal


Anong saya ng buhay ko nang makilala ka
At ang buong paligid ko ay nagkakulay pa
Laging nasa isip ko, nakaraan nating dal'wa
Noong ikaw ay sinusuyo ko pa
Minsan naman, no'ng araw, biglang nagalit ka
Dahil sa 'king pagbibiro, ika'y lumuha pa
Hinalikan ko ang labi mo, at napawi ang 'yong tampo
Mga ngiting matatamis ang ganti mo
Tandang-tanda ko pa noon nang tayo ay 'kinakasal
Sumumpa kang ako lamang ang iyong mahal
Lumipas ang ilang taon, at isinilang mo
Ang bunga ng pagmamahal at ng pag-ibig ko
Isa-isang natupad ang mga pangarap ko
Mula noon, lalong nagsikap ako
Kapag ako'y umuuwi, sumasalubong ka pa
Kahit pagod, kahit hirap, ika'y nakakaawa
Isang araw, naglaho ang aking kasiyahan
'Pagkat ika'y pinatawag do'n sa kalangitan
Kay lungkot ng buhay ko, pati na ang paligid ko
Mula nang mawalay ka sa piling ko
Ang kuwento ng pag-ibig ko at ng aming nakaraan
Ang tanging alaala ko sa inyo'y maiiwan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists