Araw-araw na hiwaga'y 'di hiwaga Araw-araw na hapis, 'di hapis Kaibang totohanang pagtangis At hindi ko hangad na itala Pagkislap araw-araw ay bahid Araw-araw na dusa'y may sawa 'Di pansin araw-araw na galit Walang bisa, walang wawa Pagpintas at panay ang pagbati Langitngit ang patuloy na dalit Himutok ay parusa kong lagi 'Di sumpa ang sumpang labis at labis Araw-araw na awa'y ay 'di away Pagmasdan at biglang sasalalay Sa hamog ang pagsikat ng araw Na ganda'y walang pakundangan Daigdig na ito'y hindi papanaw Ang bulong ko ngayong pag-asa't malumay Pagsinta ang gawin araw-araw Parang kaning tipag naroong tunay