Nasaan ka, irog Nasaan ka, irog, at dagling naparam ang iyong paggiliw 'Di baga sumpa mong ako'y mamahalin Iyong itatangi, iyong itatangi magpahanggang libing Subalit nasaan ang gayong pagtingin? Nasaan ka, irog, at natitiis mong ako'y mangulila At hanap-hanapin ikaw sa alaala Nasaan ang sabi mong ako'y iyong ligaya Ngayong nalulungkot, ngayong nalulungkot ay 'di ka makita Irog ko'y tandaan ♪ Kung ako man ay iyong ngayo'y siniphayo Mga sumpa't lambing, pinaram mong buo Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't Magsisilbing bakas ng nagdaan 'tang pagsuyo ♪ Tandaan mo, irog Irog ko'y tandaan Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't Magsisilbing bakas ng nagdaan 'tang pagsuyo Nasaan ka, irog? Nasaan ka, irog?