Irog ko'y dinggin ang tibok ng puso Sana'y damdamin hirap ng sumuyo Manong itunghay ang matang mapungay Na siyang tanging ilaw ng buhay kong papanaw Sa gitna ng kadimlan, magmadaling araw ka At ako ay lawitan ng habag at pagsinta Kung ako'y mamamatay sa lungkot niyaring buhay Lumapit ka lang, lumapit ka lang at mabubuhay At kung magkagayon, Mutya, mapalad na ang buhay ko Magdaranas ako ng tuwa nang dahil sa iyo Madaling araw ka, sinta, liwanag ko't tanglaw Halina, irog ko at mahalin mo ako Mutya'y mapalad na ang buhay ko Nang dahilan sa ganda mo Liwayway ng puso ko't tanglaw Halina, irog ko at mahalin mo ako ♪ Manungaw ka, liyag Ilaw ko't pangarap at madaling araw na