Tayo na, sinta, sandali at limutin ang himutok Ang mga mata'y itanaw sa mga luntiang bundok At sa bukid mo langhapin ang hanging malamyos Na singlinis ng pagsintang 'di ko matanos Ang mga pipit sa galak ay nag-aawitan Ang ibig sabihin, "Kay sarap mabuhay" Kung maralita man ikaw at salat sa yaman Ang ginhawa mo'y narito sa kabukiran Tatalon-talon, iindak-indak ang tubig sa batis Kung pigilin mo'y pipiglas-piglas tulad ng pag-ibig At tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit Sa mga pook na ito'y walang hapis Kukunday-kunday ang maninipis na dahong kawayan Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan At ako'y iyo, sinta, habang-buhay Sa gitna nitong masaganang kabukiran Arimunding-munding (arimunding-munding) Halina at magsayaw Arimunding-munding (arimunding-munding) At pakunday-kunday (pakunday-kunday) Sa inindak-indak at sarap ng pag-imbay Ay bagayan mo, sinta, himig ng tugtugan Limutin ang iyong kalungkutan Sa galak, ating subaybayan bawat kumpas sa palakpak At upang sumaya ang ating pusong kay wagas Nang malimot ang lahat ng hirap na tinataglay Ika'y paruparo, bulaklak naman ako Na nasa hardin ng masamyong ganda't bango Kung sakali't dumating 'yang ulat-bagyo Sugod na sa pakpak mo, silong na sa ubod ko Ika'y paruparo, bulaklak naman ako At magkasuyo tayo Sa sakdal-tamis mong paglingap, irog ko Langit ko'y pag-ibig mo Langit ko'y pag-ibig mo