May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon Dahil sa sakit, 'di na nakaya pang lumipad At ang nangyari ay nahulog ngunit parang taong bumigkas "Mamang kay lupit, ang puso mo'y 'di na nahabag 'Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak" May ibong kakanta-kanta sa sanga ng punong mangga Ang awit, kay tamis-tamis, ang tunog, kay saya-saya Sa himig na kabit-kabit, ang diwa ay mahalaga Ang buhay mo raw, giginhawa rin kung masipag ka Ang ibong munti, walang ano-ano'y lumipad Ngunit nag-iwan ng aral na sadyang matapat Kahit na dukha, madali kang uunlad Kung masipag kang lagi, may sagana kang bukas Ang ibong munti, walang ano-ano'y lumipad Ngunit nag-iwan ng aral na sadyang matapat Kahit na dukha, madali kang uunlad Kung masipag kang lagi, may sagana kang bukas Magsayaw ka, giliw, at umawit Sa saliw ng tugtuging bukid Sandaling limutin ang 'yong hapis At mangarap ka sa pag-ibig Ang kamay ko giliw ay hawakan At ikaw ay makikiramdam 'Pag aking pinisil ang palad mo, giliw 'Ya'y tanda ng aking paglalambing Masdan mo (masdan mo) Ang kindat (ang kindat) Ng aking (ng aking) Mga mata (mga mata) Ang ibig sabihin "Iibigin kita Hanggang sa Malagot ang hininga" Masdan mo (masdan mo) Ang kindat (ang kindat) Ng aking (ng aking) Mga mata (mga mata) Ang ibig sabihin "Iibigin kita Hanggang sa Malagot ang hininga" Ang ibig sabihin "Iibigin kita Hanggang sa Malagot ang hininga"