Irog, ikaw lamang ang tangi kong mahal
Minamahal, iniibig kita
Minamahal, sinasamba
Ang katulad mo'y isang awit ng pagsinta
Minamahal, manalig ka
Na sa piling mo lamang ako liligaya
Bawat ngiti, bawat sulyap
Naigawad mo ay pangako ng pagliyab
Irog, ikaw lamang ang tangi kong mahal
Minamahal, iniibig kita
Ang mahal ko'y ikaw (minamahal)
Sa buong daigdig (sinasamba)
Magpakailan pa ma'y 'di ka mawawaglit (ang tulad mo'y isang awit)
Sa bitak ng dibdib (ng pagsinta)
Kung ikaw ay wala, hirap nang masawi
'Yan na ang simula ng aking paghibik sa gabing tahimik
Oh, pag-ibig, buhay ko'y iyong-iyo
(Bawat ngiti, bawat sulyap) puso ko'y tanging iyo
At ang tanging kong samo, mahalin mo ako
(Naigawad mo ay pangako ng pagliyab)
Tunay na tunay, giliw ng buhay
(Irog, ikaw lamang ang tangi kong mahal)
Minamahal ko'y nag-iisa, ikaw lamang
(Minamahal, iniibig kita)
♪
Minamahal, minamahal kita
Pagsinta ay 'di mag-iiba
Hindi mo ba nadarama, sinta?
Bawat kilos ko'y pangarap ka
Minamahal, minamahal kita
(Minamahal, minamahal, minamahal kita)
At nasa iyo ang tanging ligaya
Asahan mong dalangin ko, tuwina
Minamahal, iniibig kita
Minamahal, iniibig kita
Поcмотреть все песни артиста