Nakalulan sa bangka ang mga pusong inalipin ng kilig Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig Saklolo, saklolo, tulungan n'yo akong intindihin Pa'no ba tayo dumating sa ganito? Sumasagwan na tayong palayo Palabo nang palabo, 'di ko na makita ang pampang Ng 'yong isipang 'di malaman, para bang isang daang sanga-sanga Saan ba tayo papunta? Kung palaging hindi mo alam Ang sagot sa 'king tanong kung sino ba 'ko sa iyo At sa mundong 'yong ginagalawan Mas pipiliin kong wala, 'wag mo lang akong iiwan Sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha Ayoko lang maiwan sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha Ayoko lang maiwan sa gitna Sa gitna nitong dagat ng kawalan Kung saan pinilit kong lunurin ang pagtangi na hindi maaari Hindi ko mawari kung ba't natutong lumangoy Kaya ang puso ko ngayo'y nananaghoy 'Di ba puti't itim lang 'to? Bakit tayo kulay-abo? At palaging hindi mo alam Ang sagot sa 'king tanong kung sino ba 'ko sa iyo At sa mundong 'yong ginagalawan Mas pipiliin kong wala, 'wag mo lang akong iiwan Sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha Ayoko lang maiwan sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha 'Wag mo lang akong iiwan Sa gitnang walang kasiguraduhan, wala kasing kahulugan Ang mga salita na palagi mong binibitawan tuwing magtatanong Ano nga ba talaga tayo? Napakalinaw ng malabo Gusto ko nang matapos ang hindi pa nagsisimula pa lang Kahit alam ko nang dehado Inunawa ka no'ng sabi mong "'Di pa 'ko sigurado" Oo o hindi, wala namang tama o mali 'Wag mo lang sana naman akong iiwan Sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha Ayoko lang maiwan sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha 'Wag mo lang akong iiwan, ha-ah-ah, ha-ah, ha Ayoko lang maiwang Nakalulan sa bangka ng mga pusong inalipin ng kilig Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig