Kishore Kumar Hits

Davey Langit - Idjay lyrics

Artist: Davey Langit

album: Biyaheng Langit


Idjay jai jai jai ayanmi
Idjay ayanmi na nagrugi
Iti istorya na daytu ubing na taga
Idjay jai jai jai ayanmi
Way kayo apanyo danggan kadi
Iti istorya na daytu ubing na taga
Idjay jai jai ang ibig sabihin non ay doon tayo ay maglalakbay
Pabalik sa umpisa kung saan nagsimula
Ang ngayo'y gumigitara't sumusulat ng kantang
Taga Baguio, Ilocano doon tayo magsisimula sa ating kwento
Noong abente nung Desyembre nung otsenta isa-is
Kay Eddie at kay Silvia na bigla ding umalis
Nung di na magkasundo, nung di na nila gustong
Magkasamang, mag-asawa na nagsawa at sumama sa iba
Pero yung bata nakalimutan na nila
Mabuti na lang merong anghel na ipinadalang
Nag-ngangalang Vergilio at Consuelo di kailanman pumreno
Sa pag puno ng mga kakulangan
At naron din si Jong, si Jinsy at si John
Nawalan ako ng darili pero ito'y napalitan
Ng isang buong kamay na nagbigay kulay sa buhay
Isang mahabang tulay na umalalay at tumatag
Mga ser ma'am, oh makinig lang
Simula pa lang ito ng kwento ng bata na taga
Idjay jai jai jai ayanmi
Idjay ayanmi na nagrugi
Iti istorya na daytu ubing na taga
Idjay jai jai jai ayanmi
Way kayo apanyo danggan kadi
Iti istorya na daytu ubing na taga
Idjay jai jai may pentel pen na hawak sa kamay si mama nagbigay
Nakatungtong sa mesa sa kanilang opisina
Sabi nya itong anak ko magaling kumanta
Doon nga naipunla, doon pala papunta
Ang puso kong hindi natatablan ng pagkalanta
Pag dating sa kalansing ng gitara, mga letra at melodiya
Alam ko ng mula nung pagkabata
Na ito ang aking gagawin, ngunit batid ko rin
Na may mga bagay na kailangan kong pagsabayin
Kaya't sinantabi ko muna sa aking isip
Sapagka't ito'y malayong panaginip
Suntok sa buwan alangan, kakalam ang tiyan
Mahihirapan kang bumuhay ng pamilya nyan
Wala kaming maipapamana, kung di ang iyong diploma
Upang panangga-lang mo at espada
Sa mundong alangan, aking napag-alaman
Na kung para yan sayo walang makakaharang jan
Mga ser maam, oh makinig lang tuloy tuloy parin ako
Sa kwento ng bata na taga
Idjay jai jai jai ayanmi
Idjay ayanmi na nagrugi
Iti istorya na daytu ubing na taga
Idjay jai jai jai ayanmi
Way kayo apanyo danggan kadi
Iti istorya na daytu ubing na taga
Idjay jai jai sa maynila naglakbay
Sinubukang sumabay
Dun sa palabas sa TV sya'y pinalad na mapili
Napasama sa mga magagaling kumanta
Akala nya doon na, pero hindi pa pala
Doon pa lang pala ang kwento nya magsisimula
Para bang isang bulang panandalian
Ito'ng kasikatan wala palang kasiguraduhan
Naghanap ng paraan, sinubukan sandalan ang ibang tao
Ngunit may mga pangarap din yan, hindi nila uunahin ang iyo
Ikaw ang gagawa ng kailangan upang matupad ito
Susubukan kang baguhin, ang loob mo sisirain
Sasabihin na gawin ang nais ng nakararami
Masyado kang mataba, hindi ka uubra
Ang likot mo mag gitara at ang kwento mo pa
Mabuti na lang tulo'y tuloy ako at hindi napang-hinaan
At merong tatlong bagay na aking pinang-hawakan
Pangarapin, trabahuin, manalangin
Yan ang nagdala doon sa batang taga
Idjay jai jai jai ayanmi
Idjay ayanmi na nagrugi
Iti istorya na daytu ubing na taga
Idjay jai jai jai ayanmi
Way kayo apanyo danggan kadi
Iti istorya na daytu ubing
Ito ay testamento na ang pangarap mo'y posible na magkatotoo
Nadinig nyo, ito po ang kwento, ako po si Davey Langit
At ako yung batang taga idjay

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists