Nais ko ang magbalik sa panahong Pinapatulog pa ako Ng nanay ko 'pag hapon Kunwa-kunwaring iidlip Pagkalipas ng ilang saglit Ako'y tatakas na't makikipaglaro Uuwi ka ng madungis At basang-basa sa pawis Papaliguan ka't pakakainin Kahit na anong gawin 'Di ka nila matitiis Bago matulog may halik pang kay tamis Kay sarap lang talagang balikan Ang malaya nating nakaraan Kaya't sa aking pag-idlip Kahit dun man lang sa 'king panaginip Gusto ko lamang magbalik Kahit saglit, kahit lamang sandali Sa aking pagkabata Takasan ang problema Dito muna magsaya Ang hirap pa lang tumanda, ha Magaling lang ako sa pagiging bata ♪ Alam ko na Kahit pa anong aking gawin Hindi totoo ang time machine Kailangan kong mabuhay pasulong 'Di pwedeng paurong Ganyan talaga ang buhay Kapag pasan mo na rin pala ang daigdig 'Di maiwasang mainggit Sa naglalaro na bata Na nagpapanggap nang mama O 'di lang nila alam Ganito pala kahirap tumanda Kay sarap lang talagang balikan Ang malaya nating nakaraan Kaya't sa aking pag-idlip Kahit dun man lang sa 'king panaginip Gusto ko lamang magbalik Kahit saglit, kahit lamang sandali Sa aking pagkabata Takasan ang problema Dito muna magsaya Ang hirap pa lang tumanda, ha Magaling lang ako sa pagiging bata, ha Ang hirap pa lang tumanda, ha Magaling lang ako sa pagiging bata ♪ Kung bibigyan ako ng pagkakataon Gusto kong bumalik sa mga panahon Na kung saan musmos ang kalagayan Sa mura kong isipan pinuspos ng kagalakan Sa mga kaganapan ng nakaraan (nakaraan) Pagkaway sa bawat eroplano na dumaraan Aliw sa mga kuwento ni Pedro at ni Juan Masaya na umaawit sa tapat ng electric fan Taguan, habulan, mataya-taya Sikyo, s'yato, patintero, masaya Maghapon na maglalaro sa labas Ang pagod sa mukha ay hindi mababakas Ang tanging pangamba ay sinturon ni ama Laging kayakap kay inay ng mawala ang kaba Ilan lamang 'yan sa mga matamis na alaala Kaya nais ko na bumalik sa pagkabata