Ang pagmamahal ko sa 'yo'y walang-hanggan 'Yan ay totoo, sana'y pakinggan Kahit ilang beses mo pa itong pagdudahan Hindi magsasawang magbigay ng dahilan Kung bakit pag-ibig ko'y nasa liwanag na daan 'Di kailanman maliligaw, alam ang pupuntahan Pero tayo'y tao lamang, kaya minsan 'di nagkakaintindihan Kaya't tanong ko lang naman Kaya mo pa bang hawakan Ang aking mga kamay habang-buhay? Kaya mo pa bang dumamay Sa tuwing ako'y nalulumbay? Kaya mo pa bang tumawa? Kung hahamunin ng mundo, 'di ka ba wawalay? Kaya mo pa bang sumama Sa aking paglalakbay? Sana'y kaya, sana'y kaya Hanggang dulo, kahit magulo Sana'y kaya, sana'y kaya Hanggang dulo, sana'y kakayanin mo Kahit ano mang unos na dumating sa 'tin Ang tunay na pag-ibig, sana'y panatilihin Ito'y huwag sanang balewalain Wala na ko'y lain pa nga higugmaon Bisan ang kaugmaon, wala'y klaro kung hunahunaon Kita ra jud unta duha ang magkadayon Diri sa kalibutan, hangtod sa kahungturan Ang pag-ibig sa 'yo'y nasa liwanag na daan 'Di kailanman maliligaw, alam ang pupuntahan Pero tayo'y tao lamang, kaya minsan 'di nagkakaintindihan Kaya't tanong ko lang naman Kaya mo pa bang hawakan Ang aking mga kamay habang-buhay? Kaya mo pa bang dumamay Sa tuwing ako'y nalulumbay? Kaya mo pa bang tumawa? Kung hahamunin ng mundo, 'di ka ba wawalay? Kaya mo pa bang sumama Sa aking paglalakbay? Sana'y kaya, sana'y kaya Hanggang dulo, kahit magulo Sana'y kaya, sana'y kaya Hanggang dulo, sana'y kakayanin mo ♪ At nang ikaw ay nagpasiyang sumagot 'To'y kay tagal ko nang hinihintay, hinihintay Ako ay nilapitan mo't lumuhod at hinawakan ang aking kamay Sabay sabi mo "Kaya ko nang hawakan Ang iyong mga kamay sa saya at lumbay Handa na akong samahan ka Sa iyong paglalakbay, ako ang iyong alalay" Kayang-kaya, kayang-kaya Hanggang dulo, kabiyak ang puso mo Kayang-kaya, kayang-kaya Hanggang dulo, sa hirap at ginhawa Kayang-kaya, kayang-kaya Hanggang dulo, pangako sa 'yo Kayang-kaya, kayang-kaya Hanggang dulo Kayang-kaya, kayang-kaya Sa harap ng Maykapal, tayo ay ikakasal