Kishore Kumar Hits

Wish 107.5 - Lihim lyrics

Artist: Wish 107.5

album: Wishcovery Originals


Nakatulala sa nakakaakit mong mga labi (Wish 107.5)
Nauuhaw, oh, sa matamis mong mga halik
Kailan kaya kita muling makikita?
Nasa isip mo pa rin ba ako sa tuwing kapiling mo siya?
Sa panaginip na lang ika'y magiging akin
Walang dapat makakaalam sa ating pag-ibig
Nasasabik, 'di mapakali, nag-iisa sa madilim na silid
Naghihintay sa 'yo, sa 'yong pagdating
Ako'y bilanggo sa lihim na pag-ibig

Nagsimula sa isang gabing 'di inaasahan
Bulong ng alak sa akin ay nakakabingi
'Di ko mapigilan ang sarili
Nasa isip ko palagi sa tuwing kapiling ko siya
Sa panaginip na lang ika'y magiging akin
Walang dapat makakaalam sa ating pag-ibig
Nasasabik, 'di mapakali, nag-iisa sa madilim na silid
Naghihintay sa 'yo, sa 'yong pagdating
Ako'y bilanggo sa lihim na pag-ibig

Sana ay noon pa kita nakilala
Ako na lang (ikaw na lang), tayo na lang sana
Ang tadhana kung minsan ay mapagbiro
Ang tadhana kung minsan ay mapagbiro
Pero bahala na, bahala na, bahala na
Bahala na, bahala na
Wishclusive on Wish 107.5

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists