Kishore Kumar Hits

Wish 107.5 - 'Di Na lyrics

Artist: Wish 107.5

album: Wishcovery Originals


Wish 107.5
Ngayon ang araw na pinakahihintay
Ilang taon na rin sa 'yo ako'y nawalay
Hindi mapantayan ang aking pag-alala
Laging nagtatanong kung babalik pa ba
At ngayo'y matatapos
Ang ating magkabilang mundo
Ang puso ko'y nasasabik sa mga yakap mo't mga halik
At sa wakas ay makikita na at masisilayan na kita
At sana, 'di ka na mawaglit sa aking bisig na kay higpit ng yakap
At 'di na aalis
Oh-oh, 'di na, 'di na aalis
Sa kabila ng distansiya't pagitan ng oras
Ni minsan, hindi nawala ang aking pagmamahal
Magmukha mang timang, naghintay nang kay tagal
Aking tiniis nang walang mintis, malayo ka man sa akin
Hangad ng aking damdamin ang araw na ito
At ngayo'y nand'yan ka na
Pero natanaw ko, iba ang 'yong tinagpo
At ikaw ay nasasabik sa mga yakap niya't mga halik
Ngayo'y nagsisisi, walang imik, 'di na ba babalik?
At hindi ka na makaalis sa mga yakap niya na kay higpit
Oh, 'di na, 'di na babalik
Oh-oh, 'di na, 'di na babalik
Oh-oh, 'di na, 'di na babalik
'Di na ba babalik? Oh-oh, 'di na ba babalik? Oh-oh (oh-whoa, oh-whoa)
'Di na ba babalik? Oh-oh, 'di na nga babalik
Sana 'di na lang naghintay, 'di sana 'di ako nalumbay
At sana, 'di na lang umasa pa na hanggang sa huli ay tayo pa
Kasi hindi na, 'di na babalik
Wishclusive on Wish 107.5

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists