Mactan Mactan Mactan ♪ Nabubuhay sa aking isipan Pinakikita ang mga larawan Naglalakbay sa malayong nakaraan Isang paraisong nais makamkam Isla na kung tawagin ay Mactan Mactan Mactan Kampilan at palasong nagliliparan Sigaw ng bawat pusong lumalaban Dugong dumanak dahil sa karapatan Na ninais angkinin ng dayuhan Mactan, ipagdiwang Mactan, ang kalayaan Mactan, pasalamatan Laban ay napagtagumpayan ♪ Halina aking mga kababayan Ipagdiwang ating kasarinlan Ipagbunyi ating kalayaan Atin 'to, atin 'to, Mactan Mactan, ipagdiwang Mactan, ang kalayaan Mactan pasalamatan ang laban ay Napagtagumpayan (ang laban ay napagtagumpayan) Laban ay napagtagumpayan (napagtagumpayan ang laban) Ating ipagdiwang ang Mactan