Akala ko kasi kailangan natin to Ang mag-isip-isip habang tayo'y magkalayo Ngunit hindi man lang naisip at di naintindihan Na mas maayos ang lahat nung ikaw ay nariyan Kaya ngayo'y nagsisisi sa bawat nasambit At hiling sa maykapal sana ikaw ay magbalik Ngunit mayroon na ngang ibang laman ang puso mo Ngunit sana ay bigyan ng oras para masabi ko Baka pwedeng... Ako na lang ulit, ako na lang ulit Pasensya na kung makulit Pangakong di na mauulit Ako na lang ulit, wag ka na sanang magalit Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo'y mapilit Dahil ikaw lang talaga at wala ng iba Kaya't sige na baka pwede pa Ako na lang ulit Bawat luhang pumatak ay hindi ko ginusto Akala ko'y makakabuti pa ang aking paglayo Ngunit hirap gumising sa umagang di ka kaharap At tingnan ang bukas ko na di ikaw ang kayakap Baka pwedeng... Ako na lang ulit, ako na lang ulit Pasensya na kung makulit Pangakong di na mauulit Ako na lang ulit, wag ka na sanang magalit Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo'y mapilit Dahil ikaw lang talaga at wala ng iba Kaya't sige na baka pwede pa Ako na lang ulit Ngunit kung mayroon ka nang ibang mahal Ay hahayaan na kita na lumigaya sa kanya Ngunit kung may natitirang pagmamahal Ay wag mo sanang pipigilan Bat di muling subukan Baka pwedeng ako na lang ulit, ako na lang ulit Pasensya na kung makulit Pangakong di na mauulit Ako na lang ulit, wag ka na sanang magalit Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo'y mapilit Dahil ikaw lang talaga at wala ng iba Di ka na mag-iisa, di ka na luluha pa Kaya't sige nab aka pwede pa Ako na lang ulit Ako na lang ulit...