May bagong biyahe, tara na
Bagong patutunguhan
Samahan natin s'ya
Halika na
Isigaw mo na, sige, bumusina (hey)
Biyaheng Leni Robredo
Isigaw mo na, sige, bumusina (hey)
Arangkada, mga Pilipino
Hawak ni Leni ang manibela
(Lakas natin, gasolina niya)
Hindi titigil, 'di papipigil
Leader Leni, sasama kami
Marangal na trabaho
Ga-graduate din ako
May matatakbuhan
'Di mapag-iiwanan
Aasenso sa negosyo
'Pag may sakuna, may saklolo
Totoong serbisyo, gobyerno
May mag-aalaga sa 'yo
Umulan man o umaraw
Kahit siksikan, tuloy lang
Heto na si Leni, kapit lang
Isigaw mo na, magtawag ka pa (hey)
Biyaheng Leni Robredo
Isigaw mo na, magtawag ka pa (hey)
Arangkada, mga Pilipino
Kahit malubak, kami'y magtutulak
Sige lang, kaya 'yan (oh-whoa)
Sinimulan, ginalingan
Leader Leni, sasama kami
Buo ang puso, buo ang loob
Matapang na babae, ating Presidente
Matapat, marangal, marunong magmahal
Mayaman, mahirap, lahat tayo konektado
'Di maliligaw, 'di masisilaw
(Liwanag ang tanaw)
Leader Leni, 'di bibitaw
Isigaw mo na, ipanalo na (hey)
Biyaheng Leni Robredo
Isigaw mo na, ipanalo na (ipanalo na)
Arangkada, Pilipino
Sakay tayo (isigaw), sabay tayo (isigaw)
Kay Leni Robredo (isigaw mo na)
Sakay tayo (isigaw), sabay tayo (isigaw)
Kay Leni Robredo (isigaw mo na)
Ipanalo natin 'to
(Leni, Leni, Leni, Leni)
Поcмотреть все песни артиста