Kishore Kumar Hits

Rahuyò - Napakaraming Demonyo (‘Dito lang ako) lyrics

Artist: Rahuyò

album: Napakaraming Demonyo (‘Dito lang ako)


Bumangon ka, hawiin mo na
Mga ulap at kurtina
Ng madilim mong planeta
Hindi na makahinga
'Di matawagan, di makamusta
'Di na makilala
Sa kawalan mong de kanto
Languyin mo ang dulo
Iinog parin ang mundo
Mga tala'y magkakalayo
Buksan ang pinto ng silid at puso
Napakaraming demonyo
Pero 'dito lang ako
Tahan na't hawiin ang pinaglumaan na kurtina
Ng planeta mong sa liwanag laging kinakapos
Hayaan sanang tumagos sa kalawakan ang oras
Sa mga oras na tayo'y nagpapalitan ng haplos
Palutang lutang sa wala, ngunit punuan sa loob
Pulso mo at pulso ko'y iisa lamang ang kutob
Papuntang rutang di mawaring may dala dalang unos sa giyera ba'y laging lunod
Payapa ang kalalabasan ng mangyayareng kasunod pangako ko sayong
Iinog parin ang mundo
Mga tala'y magkakalayo
Buksan ang pinto ng silid at puso
Napakaraming demonyo (Delubyo, malignong rebulto, anino't misteryo)
Pero dito lang ako
Kung nalulungkot, natatakot
Nalulunod sa laot ng luha at limot
'Wag kang papaanod, wag kang mapapagod
'Wag kang papatalo
Kung nalilito isip at puso
Walang taong perpekto, sadyang walang preno
Mga galos, insulto, sakit, pagkatalo
Pero mahal kita buong buo
Haaaaaaaaa
Kung nalulungkot, natatakot
Nalulunod sa laot ng luha at limot
'Wag kang papaanod, wag kang mapapagod
'Wag kang papatalo, 'dito lang ako
Bangon na't sabay nating tuklasin
Ang kometang paparating sa madilim mo na planetang
Nakapaloob ma'y sangkaterba nating ala ala
Lamo namang nakakayamot pa na isuot tong mga luha dahila'y
'Di kana matawagan, hindi makamusta, malabo nang makilala mo pa
'Ko sa nabuo nating kawalan, nilangoy ko hanggang dulo
Dekada man o siglo, mag hihintay na pagbuksan mo'kong muli.
Iniwan na tayo nila
'Di ko makakayang ika'y mawala
Buksan ang pinto ng silid at puso
Napakaraming demonyo (Delubyo, malignong rebulto, anino't misteryo)
Pero dito lang ako
Kung nalulungkot, natatakot
Nalulunod sa laot ng luha at limot
'Wag kang papaanod, wag kang mapapagod
'Wag kang papatalo
Kung nalilito isip at puso
Walang taong perpekto, sadyang walang preno
Mga galos, insulto, sakit, pagkatalo
Pero mahal kita buong buo
Haaaaaaaaa
Kung nalulungkot, natatakot
Nalulunod sa laot ng luha at limot
'Wag kang papaanod, wag kang mapapagod
'Wag kang papatalo, dito lang ako
Bumangon ka, hawiin mo na
Mga ulap at kurtina
Ng madilim mong planeta
Hindi na makahinga
Buksan ang pinto ng silid at puso
Napakaraming demonyo
Pero 'dito lang ako

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists