Kishore Kumar Hits

Nemic - Natatangi lyrics

Artist: Nemic

album: Natatangi


Sasapit na ang araw
Na ika'y aking muling makakasama
Hindi mapakali ang sarili
Nag-iisip, ano ba'ng dapat iporma?
Nakaharap sa salamin, nag-iisip ng sasabihin
Hindi alam ang gagawin kapag ika'y papalapit sa 'kin (sa 'kin)
Sa tuwing ika'y kasama
'Di maitatanggi ang ligaya
Sa tuwing ako'y nakatingin sa 'yong mga mata
Bumabagal ang mundo, tanging ikaw lang at ako
Ang puso ko'y ikaw ang s'yang tanging sinisigaw

Maliwanag ang buwan at aking pinagmamasdan
Ang mga tala, tila ba hugis ng iyong mukha
Oh, natatangi mong ganda'y 'di nakakasawa, hmm
Nakaharap sa salamin, nag-iisip ng sasabihin
Hindi alam ang gagawin kapag ika'y papalapit sa 'kin (sa 'kin)
Sa tuwing ika'y kasama
Hindi maitatanggi ang ligaya
Sa tuwing ako'y nakatingin sa 'yong mga mata
Bumabagal ang mundo, tanging ikaw lang at ako
Ang puso ko'y ikaw ang s'yang tanging sinisigaw

Sa t'wing ako'y iidlip, ikaw ang laging panaginip
Sana'y 'di na 'ko magising, doon ka lang nagiging akin
Dapat na ba akong umamin na sa 'yo'y may pagtingin?
Ilalahad ba ang damdamin o patuloy na ililihim?
Sa tuwing ika'y kasama
Hindi maitatanggi ang ligaya
Sa tuwing ako'y nakatingin sa 'yong mga mata
Bumabagal ang mundo, tanging ikaw lang at ako
Ang puso ko'y ikaw ang s'yang tanging sinisigaw
Natatanging ikaw
Natatanging ikaw
Natatanging ikaw

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists