Pinupuri Ka, Yahweh, nitong aking kaluluwa Ikaw na aking Diyos, kay dakila Mong talaga Lahat ng may buhay ay magbigay-pugay Purihin ang makapangyarihang Diyos kailan pa man Sama-samang umawit Sama-sama Sama-sama (Sama-samang sumamba, sama-samang pumasok sa Kanyang presensiya) Oh, kay gandang pagmasdan, tayo'y nag-aawitan Pumapasok sa tahanan N'yang may kagalakan At doon ay nagpupuri, walang hanggang kasiyahan Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man ♪ Sama-sama Sama-sama Oh, kay gandang pagmasdan, tayo'y nagmamahalan Nananahan sa pag-ibig N'yang sadyang wagas At sama-samang nagpupuri, walang hanggang kasiyahan Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man Hallelujah, ito na nga ang pinakamainam na pagkakataon Ang tayo'y nagkakaisang sama-samang itinataas ang ating Panginoong Hesus Sa ating pagpupuri, pag-aawitan at pananatili sa Kanyang pagmamahal Sapagkat pinananahanan N'ya ang ating pagsamba, kaya't patuloy tayong Sama-sama Sama-sama Oh, kay gandang pagmasdan tayo'y nag-aawitan Pumapasok sa tahanan N'yang may kagalakan At doon ay nagpupuri, walang hanggang kasiyahan Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man Sama-samang nagpupuri, walang hanggang kasiyahan Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man (Sama-samang magpuri, hallelujah, whoo) Sama-samang nagpupuri, walang hanggang kasiyahan Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man, sama-sama