Dakilang San Agustin! May pusong maawain Tanglaw ka ng maningning Bayan namin puso sa iyo'y hain Kami ay nagdarasal Buong pusong nananalangin Pag-mamahal mo't pag-ibig San Agustin nais naming kamtin Dakilang San Agustin! May pusong maawain Tanglaw ka ng maningning Bayan namin puso sa iyo'y hain Kami'y ipag-sanggalang Sa tukso at kasamaan San Agustin! naming mahal Huwag sana kaming pababayaan