Ano nga ba ang pag-ibig Ito ba'y isang panaginip O isang awiting paulit-ulit Maghapong nasa isip Ito ba'y tibok nitong puso Damdaming ayaw sumuko O ito'y isang tingin Na 'di kayang limutin Napagtanto na ang pag-ibig Ay hindi isang laro O isang damdaming inaakalang 'di maglalaho Ang lahat pala'y nahuhubog Sa apoy ng panahon Kung sa Diyos, ating ihahandog Pag-ibig maglalaon Ito ang pag-ibig, alay ng langit Ang mahalin ka, paglingkuran ka Hirap at ginhawa, lungkot at saya 'Di mag-iisa, may karamay ka Ating sasariwain sa tuwing mananalangin Pangako'y di lilimutin ang pagmamahal Na sa Kanya nanggaling Asahan mo, aking hirang Pag-ibig ko'y sa'yo lamang Pangako ko'y magpapasakop nang lubos Gayundin sa ating Diyos Ito ang pag-ibig, alay ng langit Ang mahalin ka, paglingkuran ka Hirap at ginhawa, lungkot at saya 'Di mag-iisa, may karamay ka Ating sasariwain sa tuwing mananalangin Pangako'y di lilimutin ang pagmamahal Na sa Kanya nanggaling Matiyaga, magandang loob Walang pagkainggit Mapagkumbaba, marahan At 'di makasarili o magagalitin Mapagpatawad, mapagtiwala Puno ng pag-asa Galak ay katotohanan Mapagtiis hanggang wakas Ito ang pag-ibig Ito ang pag-ibig Ito ang pag-ibig Ito ang pag-ibig