Tulong tulong Sambit ng iyong mata Abot langit na tawa Nililihim na luksa Sigaw mo'y saklolo Nalulunod na pala Sa maalat na luha Na tumatawa ang iba 'Di ko 'to ginusto tulungan niyo po ako Ano ba ang dapat kong gawin, ako'y nalilito Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo Pag bilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo 'Di ko 'to ginusto tulungan niyo po ako Ano ba ang dapat kong gawin, ako'y nalilito Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo Pag bilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo Tulong tulong Sambit ng iyong mata Abot langit na tawa Nililihim na luksa Sigaw mo'y saklolo Nalulunod na pala Sa maalat na luha Na tumatawa ang iba Mamang tindero anong binebenta mo Masarap na inumin natikman mo na ba 'to Lahat ng hapdi at sakit ay mapapawi nito Ganon ba itong pera ko pabili akong tatlo O baka gusto mo ng kwintas uso ito ngayon Makapal, matibay, mahaba magandang kondisyon Bagay sa kahit ano mang suot ano ang desisyon Sabihan mo lang ako mahaba pa ang prosisyon At kung nais mong mamasyal dun sa maaliwalas Malakas ang hangin presko na hindi pa nadanas Mataas kita mo lahat parang nakatakas 'Di mo na kailangang isipin pa kung swerte o malas Pag nakilala mo na ang iyong kutob sige lang Huwag mong isipin nang mabuti kasi 'di to pilitan Kung marami kang problema sikaping mong maglibang Kailangan mo ba ng kasama sabay tayong magbilang Tulong tulong Sambit ng iyong mata Abot langit na tawa Nililihim na luksa Sigaw mo'y saklolo Nalulunod na pala Sa maalat na luha Na tumatawa ang iba 'Di ko 'to ginusto tulungan niyo po ako Ano ba ang dapat kong gawin, ako'y nalilito Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo Pag bilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo Umaapoy ang lalamunan ko hindi makahinga Suka nang suka nang suka walang pahinga Pilit kong inaabot ang mga kamay nila Laway ko na dating puti bakit ngayon naging pula Sinuot ang kwintas na makapal at makati Tumangkad halos abot ko na ngayon ang kisame Mga latay at pasa ko sa leeg kagabi Kung anumang nakita mo ay huwag mong ipagsasabi Ayos pala dito sa taas medyo maginaw Malamig ang simoy at madami kang matatanaw Huwag kang masyadong malikot konti konti ang galaw Sinong gustong lumipad siya ba ako o ikaw Pag nakilala mo na ang iyong kutob sige lang Huwag mong isipin ng mabuti kasi 'di to pilitan Kung marami kang problema sikaping mong maglibang Kailangan mo ba ng kasama sabay tayong magbilang ♪ Tulong tulong ('Di ko 'to ginusto tulungan niyo po ako) Tulong tulong (Ano ba ang dapat kong gawin, ako'y nalilito) 'Di ko 'to ginusto tulungan niyo po ako Ano ba ang dapat kong gawin, ako'y nalilito Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo Pag bilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo