Kishore Kumar Hits

Sheryn Regis - Sana'Y Ingatan Mo lyrics

Artist: Sheryn Regis

album: Come in out of the Rain


Pinilit kang iwasan, baka masaktan lang
'Pagkat marami nang pag-ibig ang sa'yo ay nagdaan
Paano pipigilan pagsuyong nararamdaman
Hiling ko lang sa'yo ay huwag sanang paglaruan
Ang puso ko sana'y ingatan mo
'Pagkat ngayon pa lang magmamahal ito
Ipangako mong sana'y magtatagal
Ang iyong pagmamahal, hindi magbabago
Sana'y maunawaan aking alinlangan
'Pagkat marami nang nakita kong bigo at luhaan
Kaya ang pakiusap sa'yo ay pakinggan
Hiling ko lang sa'yo ay huwag sanang paglaruan
Ang puso ko sana'y ingatan mo
'Pagkat ngayon pa lang magmamahal ito
Ipangako mong hindi mo sasaktan
Iiwang sugatan itong damdamin ko
Ang puso ko sana'y ingatan mo
'Pagkat ngayon pa lang magmamahal ito
Ipangako mong sana'y magtatagal
Ang 'yong pagmamahal, hindi magbabago
Ang puso ko sana'y ingatan mo
'Pagkat ngayon pa lang magmamahal ito
Ipangako mong hindi mo sasaktan
Iiwang sugatan ang puso kong ito
Sana'y ingatan mo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists