Kishore Kumar Hits

Kyla - Leni Laban! lyrics

Artist: Kyla

album: Leni Laban!


Ano na bang tama ngayon?
Sa dami ng pinaglalaban, 'di ko maintindihan
Bakit patuloy ang dahas at maraming nasasaktan?
Minsan iisipin mo na lamang
May pag-asa pa ba?
Laban kung laban para sa bayan
At sa mga naniniwala sa katotohanan
Laban natin 'to handa ka na bang
Ibigay buong puso't isipan
'Wag kang mawalan ng pag-asa
Ang puso ialay sa laban
Kapalit ay tagumpay, laban
Laban, laban, laban
Marami sa'tin ay bulagbulagan
Hanggang saan, hanggan kailan
Kailangan nang lumaban, hihintayin pa bang
Pamilya na ang masasaktan
'Wag matakot kapag ikaw ay nasa katwiran
Kakampi mo katotohanan
Laban kung laban para sa bayan
At sa mga naniniwala sa katotohanan
Laban natin 'to, handa ka na bang
Ibigay buong puso't isipan
'Wag kang mawalan ng pag-asa
Ang puso ialay sa laban
Kapalit ay tagumpay, laban
Laban, laban, laban
Maraming hinaing ang nais iparating
Iba-iba ang dalangin sana'y unawaan natin
Pagmamahal sa kapwa ang dapat palaganapin
Hindi dahas, kundi pag-ibig
Hindi dahas, kundi pag-ibig
'Di mo ba naririnig o manhid ka na sa tinig ng 'yong bayan?
Wala na bang inaatupag kundi ang sarili mong kapakanan?
'Wag na 'wag mong hahayaang diktahan ng namumuno
Sandata ang dugo at diwa ng mga ninuno
Nangako ka, nangarap ka
At buong pusong nanumpa ng katapatan at kadakilaan
Para sa iyong bayan
Kaya ngayon tayo'y lalaban
Laban kung laban para sa bayan
At sa mga naniniwala sa katotohanan
Laban natin 'to
Handa ka na bang ibigay buong puso't isipan
'Wag kang mawalan ng pag-asa
Ang puso ialay sa laban, kapalit ay tagumpay
Ang puso ialay sa laban, kapalit ay tagumpay
Laban, Leni, laban
Laban, Leni, laban
Laban, Leni, laban
Laban, Leni, laban

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists