Kishore Kumar Hits

Kyla - Pangarap Na Dumating lyrics

Artist: Kyla

album: Kyla (The Queen of R&B)


Kung alam ko lang dati pa
Sana hindi ko na sinimulan
Masasaktan din lang pala, luluha lang din pala
Noong una kang nakita
Akala ng puso ko ikaw na nga
Dati na 'kong nagmahal
Muli lang bang masasaktan, hoooh
Umasa na naman
Ang pag-ibig mo ay tila pangarap na dumating
Ngunit 'di pala para sa akin
At ang yakap mo ay tila ulap na aking nakamit
Ngunit naglaho na sa paningin, oooh
Hoooh, woooah
May dumarating sa 'tin na
Hindi pala sa 'tin nakatadhana
Sandaling pagmamasdan ngunit siya ay lilisan
Talagang masasaktan
Ang pag-ibig mo ay tila pangarap na dumating
Ngunit 'di pala para sa akin
At ang yakap mo ay tila ulap na aking nakamit
Ngunit naglaho na sa paningin, oooh
Tunay na pag-ibig nadama ko sa 'yo
Ngunit ika'y lumayo at kailangan ko nang tanggapin
Tanong ko kung bakit 'di ka pala para sa 'kin
Ang hirap-hirap man aminin
Kailangan ko nang tanggapin
Ang pag-ibig mo ay tila pangarap na dumating
Ngunit 'di pala para sa akin
At ang yakap mo ay tila ulap na aking nakamit
Ngunit naglaho na sa paningin, hoooh
Na, na, na, na, na
Na, na, na, na, oh
Na, na, na, na, oh
Na, na, na, na, oh

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists