Kishore Kumar Hits

Piolo Pascual - Pare Ko lyrics

Artist: Piolo Pascual

album: Paano Kita Iibigin (Original Motion Picture Soundtrack)


Oh, pare ko, mayro'n akong problema
'Wag mong sabihing na naman
In love ako sa isang cute na papa
Hindi ko maintindihan
'Wag na nating idaan sa moboteng usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit sa ulo't bilbil sa tiyan
Anong sarap, kami'y naging magkaibigan
Napuno ng pag-asa
'Yun pala hanggang do'n lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa
Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
Kung kailan ka naging seryoso tsaka ka niya lolokohin
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?
'Di ba, 'lang-hiya, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, letseng pag-ibig 'to
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito, oh?

Sabi niya, ayaw niya munang magkasyota
Dehins ako, naniwala
'Di nagtagal, naging gano'n na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya
Bakit ba ang labo niya, hindi ko maipinta
Hanggang kailan maghihintay, ako'y naiinip na
Pero minamahal ko siya
'Di biro, T.L. ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo
Oh, pare ko, mayro'n ka bang maipapayo?
Kung wala ay okay lang
Kailangan lang ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na
Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
Kung kailan ka naging seryoso tsaka ka niya lolokohin
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?
'Di ba, 'lang-hiya, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, letseng pag-ibig 'to
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito, oh?
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?
'Di ba, 'lang-hiya, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, letseng pag-ibig 'to
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito, oh?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists