Kishore Kumar Hits

Ensou - Entropy (Techniken Remix) lyrics

Artist: Ensou

album: Theia


Lumipas na ang oras nandito parin ako,
Nagbibilang ng luha na hindi natutuyo.
Natulala at naliligaw sa aking isipan.
Ang ala-alang aking binabalik-balikan.
Pipikit na lang ako,
Kailan ba ito hihinto?
Sa bawat pag-sikat ng araw;
Madilim na paligid ang natatanaw.
Sa bawat pag-ikot ng mundo;
Ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo.
Sumisigaw sapagkat walang nakakadinig,
Nakatingin sa silwuta mong di umiimik.
Nakahiga at nalulunod sa aking pagluha.
Ang ala-alang ating di na malilimutan.
Pipikit na lang ako,
Habang ika'y lumalayo sa akin.
Ang kwento natin ay lumilipas at umuulit
Saglitang umiihip na parang hangin.
Pag-sapit ng bukas ako ay umaasa muli,
Na ikaw at ako ay muling magkatabi.
Sa bawat pag-sikat ng araw;
Madilim na paligid ang natatanaw.
Sa bawat pag-ikot ng mundo;
Ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo.

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists