Nang sumapit ang gabi Binulong mo sa akin Mga salitang 'di maintindihan Ang boses mong mahangin Humahalik sa'king balat Di makakilos, labi'y kinakagat Binawian ng buhay ang aking mga mata Nang masilaw sa iyong ganda O ako'y napatumba Di makawala Ako'y nahuli mo na Hindi mawawala Kahit maging mag-isa Iibigin parin kita