Sa bawat pintig ng aking puso Nararamdaman Iyong pagsuyo Bawat araw, awa Mo'y bago Salamat sa pagdinig sa mga daing ko Salamat, ako'y may mga kapatid Dumadalanging walang patid Sa katuwiran 'pinababatid Salamat sa 'Yong gawang 'di malirip Ikaw ang pag-ibig na nananatili Ikaw ang ligaya kung may dalamhati Ikaw ang pag-asa 'pag napipighati Salamat po, Ama, sa Iyong pagkandili ♪ Iyong salita'y aking kaaliwan Kagalaka'y Iyong kautusan Inihahayag itong kahilingan Samahan Mo ako magpakailan pa man Ikaw ang pag-ibig na nananatili (Ikaw ang pag-ibig na nananatili) Ikaw ang ligaya kung may dalamhati Ikaw ang pag-asa 'pag napipighati Salamat po, Ama, sa Iyong pagkandili At doon sa langit na Iyong bayan Nawa'y makarating aking kaliitan Pangarap makasama, buong kapatiran At makapiling Ka sa walang-hanggan (sa walang-hanggan) At makapiling Ka sa walang-hanggan