Kishore Kumar Hits

KDR Music House - Nariyan Pa Rin lyrics

Artist: KDR Music House

album: KDR Music and Lyrics Volume 2


Ang puso ko'y umaasa, tayo'y muling magkikita
May araw na mawawala ang luha sa aking mata
'Pagkat ako'y nangulila nang araw na lumisan ka
Ngunit nagtitiwala sa pag-ibig ng Diyos Ama
Lagi akong magsisikap, makagawang buong sipag
Matapos ang aking takbo at makapagwakas
Pangarap ko na makita si Hesus na nililiyag
Na Siyang iyong itinurong lalakarang dating Landas
Alaalang nagbabalik, pangangaral mo sa 'min
Wala kaming magagawa kung si Hesus, 'di kapiling
Kaya't bilin mong palagi, utos Niya'y aming sundin
Na kung ika'y mawawala, Siya'y laging nariyan pa rin
(Na kung ika'y mawawala, Siya'y laging nariyan pa rin)
Masakit man sa 'king puso ang biglaan mong paglisan (paglisan)
Pag-asa'y 'di nawawala, ika'y nagpapahinga lang
Muli nating itutuloy ang paggawang nasimulan
Kung ako'y papalarin na Kaniyang kaawaan
Alaalang nagbabalik, pangangaral mo sa 'min
Wala kaming magagawa kung si Hesus, 'di kapiling
Kaya't bilin mong palagi (kaya't bilin mo)
Utos Niya'y aming sundin (utos Niya'y aming susundin)
Na kung ika'y mawawala, Siya ay laging nariyan pa rin
(Siya ay laging nariyan pa rin, ooh-ooh)
Kung dumating na ang araw na ako na ang papanaw
Ang dalangin ko sa Ama para sa 'king maiiwan
Aral ng Diyos na dalisay ang palaging panghawakan
Kung lahat man ay mawala, Siya'y palaging nariyan lang
(At kung ika'y mawawala, Siya'y laging nariyan pa rin)
(At kung lahat man ay mawala, Siya'y nariyan) hmm

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists