Narito ang alay ko sa 'Yo, Ama Pakinggan Mo ang puso kong sumasamba Salamat sa paglingap Mo at pagsinta Naawa Ka sa tulad kong isang aba Kahit na ang buhay ko ay 'di sapat Itumbas sa paghihirap ng Iyong Anak Pangako ko'y maglilingkod hanggang wakas Tulungan Mo nang tuwina'y maging tapat Ama, salamat sa 'Yong pagmamahal 'Di ko malirip, pag-ibig Mong walang hanggan Dahil sa amin, Anak Mo ay ibinigay Nagkapag-asa sa pangako Mong buhay Ang samo ko, aking Ama'y patawarin Ang handog ko sa 'Yo'y paging dapatin Ang dungis ng puso ko ay 'Yong linisin Espiritu sa akin ay h'wag bawiin Ama, salamat sa 'Yong pagmamahal 'Di ko malirip, pag-ibig Mong walang hanggan Dahil sa amin, Anak Mo ay ibinigay Nagkapag-asa sa pangako Mong buhay Ama, salamat sa 'Yong pagmamahal 'Di ko malirip, pag-ibig Mong walang hanggan Dahil sa amin, Anak Mo ay ibinigay Nagkapag-asa sa pangako Mong buhay Ama, salamat sa Iyong pagmamahal