Puso namin, Ama, sa 'Yo'y binubuksan Humihinging lunas sa 'ming mga kasalanan Hugasan Mo ang lahat ng karumihan Sa ngalan ng Iyong Anak, kami ay pakinggan Nangingimi kami na lumapit sa 'Yo Nahihiya man lang na sambitin pangalan Mo Ngunit saan pa ba kami patutungo? Sapat ang awa na nagmumula sa dulang Mo Hanap namin ang lingap Mo sa araw-araw Umaasang hirap nami'y malulunasan Magtitiis kami, tulungan lamang Pangako Mong buhay, laging inaasam-asam Tulungan Mo kami na makapagtapat Sa aming tungkulin na sa 'Yo ay tinanggap Nawa'y manatili kung pa'no Mo tinawag Sa piling Mo, ligaya ay aming malalasap Hanap namin ang lingap Mo sa araw-araw (sa araw-araw) Umaasang hirap nami'y malulunasan Magtitiis kami, tulungan lamang Pangako Mong buhay, laging inaasam-asam (Pangako Mo'y inaasam) inaasam... (Hanap namin ang lingap Mo sa araw-araw) ang lingap Mo sa araw-araw (Umaasang hirap nami'y malulunasan) malulunasan Magtitiis kami, tulungan lamang Pangako Mong buhay (pangako Mong buhay), laging inaasam-asam (Ako'y magtitiis, tulungan Mo lamang) Pangako Mong buhay, laging inaasam Makamtan