Kahit na sa sulok lang ng Iyong Paraiso Basta't Ikaw ay kapiling sa Banal na Bayan Mo Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito Upang maitumbas sa Kal'walhatian Mo Naghihintay, nananabik sa Iyong pagbabalik Isang libong taon, laging nasa isip Abutin man ako ng aking pagpikit Umaasang ididilat sa unang pagtindig Pag-ibig Mo'y siyang gabay, sa tuwina'y aalalay Ikaw ang patnubay sa 'king paglalakbay Laging nakabantay, hawak aking kamay Upang hindi mapawalay sa 'Yong pagmamahal Kahit na sa sulok lang ng Iyong Paraiso Basta't Ikaw ay kapiling sa Banal na Bayan Mo Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito Upang maitumbas sa Kal'walhatian Mo Salamat ang tanging daing, dahil Ikaw ay mabuti 'Di Ka nagtatangi ano man ang lahi Ako'y kinandili, tinawag, pinili Ang alay na pagpupuri ang maisusukli Kahit na sa sulok lang ng Iyong Paraiso Basta't Ikaw ay kapiling sa Banal na Bayan Mo Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito Upang maitumbas sa Kal'walhatian Mo Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito Upang maitumbas sa Kal'walhatian Mo Upang maitumbas sa Kal'walhatian Mo Ooh, la-la-la, la-la-la-la-la