Kishore Kumar Hits

KDR Music House - Tunay Na Buhay lyrics

Artist: KDR Music House

album: KDR Music and Lyrics Volume 1


Lumilipas ang panahon, unti-unting nadarama
Sa buhay na ito'y hindi tunay ang ligaya
Isang saglit ay may ngiti, kapagdaka'y may luha na
Kanina lang ay kay saya, bakit ngayo'y may lumbay na?
Buhay nati'y 'di rin tunay dahil ito'y may hangganan
Ngayon, puso'y pumipintig ngunit dagling pumapanaw
Dating lakas, dating sigla, ngayo'y isang bakas na lang
Alaala ng kahapo'y naglalahong walang ano pa man
Kaya't ang nais ko ay ang buhay na tunay na buhay
Doon sa Paraiso, ligaya ay walang-hanggan
Tuwa doo'y walang sukat, walang makakapantay
Hindi ka na mangangambang ika'y muling malulumbay
Huwag nating ilalagak itong isip sa may wakas
Mata nitong ating puso ay ititig sa itaas
Hirap nati'y mapapawi, hahalinhan Niya ng galak
Kung tayo'y magtitiwala sa Diyos Ama nating liyag
Si Hesus ang tumubos sa ating sala
Nang ating makamtan, pagpapalang walang-hanggan
Sa Kaniyang pagbabalik, nawa tayo ay magkita
Doon sa bagong langit, buhay natin ay tunay na
Kaya't ang nais ko ay ang buhay na tunay na buhay
Doon sa Paraiso, ligaya ay walang-hanggan
Tuwa doo'y walang sukat, walang makakapantay
Hindi ka na mangangambang ika'y muling malulumbay
Kaya't ang nais ko ay ang buhay na tunay na buhay
Doon sa Paraiso, ligaya ay walang-hanggan
Tuwa doo'y walang sukat, walang makakapantay
Hindi ka na mangangambang ika'y muling malulumbay
Tuwa doo'y walang sukat, walang makakapantay
Hindi ka na mangangambang ika'y muling malulumbay

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists