Hmm, hmm Kay buti mo, Panginoon Ang iyong kagandahang loob ay magpakailanman Itong aking diwa ay nanglulupaypay At may dumaraing, abutin itong kamay Lakas ko'y nasa iyo, pag-asa sa buhay Dinggin mo, oh, Diyos itong panambita Pinanabik mo ako dahil sa iyong galak Hirap nitong puso, sana ay lunasan Kung wala mang taong lumilingap sa aking kalimitan Kanlungan ko'y ikaw, Ama, ligaya sa kalungkutan Panginoon, ika'y aking awit Sa tuwina-tuwina'y laman yaring dibdib Lungkot napapawi sa puso ko't isip Dahil sa katuwiran sa pagkatao ko'y iyong iniukit Ang iyong kagandahang loob ay magpakailanman Kabutihan mo, Ama'y 'di matutumbasan Ang iyong kagandahang loob ay magpakailanman Pangalan mo'y matibay na buo, aking kaligtasan Ang iyong kagandahang loob y magpakailanman Dahil dito ika'y pinasasalamatan Pupurihin, sasambahin Habang ako'y nabubuhay Hm, hm Hmm, hmm