Kishore Kumar Hits

KDR Music House - Wala Nang Iba lyrics

Artist: KDR Music House

album: KDR Music and Lyrics Volume 1


May kirot sa 'king puso
May lungkot sa buhay na ito
May pag-uusig at panunukso
Ama'y 'di kakayanin kung pababayaan Mo
Ang buhay dito sa mundo
Tigib ng sakit at siphayo
Sa bawat luha na tumutulo
Tinatawag ko sa t'wina, ang banal na Ngalan Mo
Wala na ngang ibang maaasahan pa
Kundi Ikaw, aming Ama
Ang hirap ng puso't lahat ng pangamba
Sa 'Yong kamay, Panginoon, itinitiwala
Ito man ang naging palad
Kahit na laging hinahamak
Sa pangako Mo ay manghahawak
Bagong langit mararating, sa awa Mo at paglingap
Wala na ngang ibang maaasahan pa
Kundi Ikaw, aming Ama
Ang hirap ng puso't lahat ng pangamba
Sa 'Yong kamay, Panginoon, itinitiwala
Wala na ngang ibang maaasahan pa
Kundi Ikaw, aming Ama
Ang hirap ng puso't lahat ng pangamba
Sa 'Yong kamay, Panginoon
Sa 'Yong kamay, Panginoon
Sa 'Yong kamay, Panginoon, itinitiwala
Salamat, Ama

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists