I Sa paggising napuputol ang anomang panaginip At ang taong naghihintay umaalis 'pag nainip Kagustuha'y nagbabago, paghanga'y pwedeng mag-iba Lahat panandalian lamang talaga II Nauubos ang salapi kapag ito'y ipinambili Ang bago ay naluluma, ang pagtanda ay madali Trabaho ay natatapos, katanyaga'y lumilipas Ngunit kabutihan Mo'y hindi magwawakas Panginoon, walang Kang katulad 'Di nagbabago, ang biyaya Mo'y sapat Pag-ibig Mo'y walang hanggan Ika'y 'di mapapantayan Panginoon, wala Kang katulad III Maaaring malimutan ang taglay na karunungan Paghina ng kalakasan ay 'di maiiwasan Ganda ay kumukupas, ang yaman ay maiiwan Ngunit ang awa Mo'y magpakailan pa man IV Wala ngang matatagpuan na isang katulad Mo Nananatili Kang tapat, banal, dakilang totoo Marapat Ka na sambahin, ibigin ng buong puso O Dios ang awit na ito'y para sa'Yo Panginoon, walang Kang katulad 'Di nagbabago, ang biyaya Mo'y sapat Pag-ibig Mo'y walang hanggan Ika'y 'di mapapantayan Panginoon Panginoon, walang Kang katulad 'Di nagbabago, ang biyaya Mo'y sapat Pag-ibig Mo'y walang hanggan Ika'y 'di mapapantayan CODA Panginoon, Panginoon Wala Kang katulad