Kishore Kumar Hits

ASOP - Ikaw Pala lyrics

Artist: ASOP

album: ASOP Year 5


Noon akala ko, ang makapagpapasaya
Kayamanang dulot sa atin ng karangyaan
Noon akala ko, ang makapagpapasaya
Dami ng kaibigan at katanyagan sa mundo
Hanggang ako ay nalugmok, nawala ang lahat
At nang magbangon, Panginoon, Ikaw ang nakita
Ikaw pala ang tunay na kagalakan
Aking Hesus, gabay ko at kanlungan
Ikaw pala ang tunay na katahimikan
Pangalang natatangi kanino man, oh Hesus
Ang tunay na kaibigan magpakailanman, Hesus
Oo nga't kailangan kayamanan sa mundo
Panandalian lamang ang lahat ng ito
Kaya't salamat po, Hesus, nakilala Kang lubos
Dahil ikaw ang kapayapaan, tunay na ligaya
Ikaw pala ang tunay na kagalakan
Aking Hesus, gabay ko at kanlungan
Ikaw pala ang tunay na katahimikan
Pangalang natatangi kanino man, oh Hesus
Ang tunay na kaibigan magpakailanman
Ngayo'y nadarama Kita sa aking buhay
Ang Banal na Espiritu na ngayon ay nasa 'kin
Nasa akin...
Ikaw pala ang tunay na kagalakan
Aking Hesus, gabay ko at kanlungan
Ikaw pala ang tunay na katahimikan
Pangalang natatangi kanino man, oh Hesus
Ang tunay na kaibigan, Ikaw pala, Hesus
Ikaw pala, ikaw pala, Hesus

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists