Kishore Kumar Hits

ASOP - Tanging Ligaya lyrics

Artist: ASOP

album: ASOP Year 5


Lumalakad nang mag-isa, inaakalang kaya ko na
Dusa't lungkot lang ang nadama
Tuwa't galak inaasam ng puso kong nagdaramdam
Saan kaya ako nagkulang?
Nang marinig ko ang pagtawag Mo
Sa dating buhay, oh, Diyos, Iyong hinango
Sa sala ko'y Iyong iniligtas
Ng pag-ibig Mong walang hangga't wagas
Sa awa Mo (sa awa Mo) ako'y umaasa (umaaasa)
Makapiling Ka'y tangi kong ligaya
Ngayo'y kasa-kasama na mga gabay Mong salita
Liwanag ay aking nakita
Salamat sa pagmamahal, ang puso ko'y sobrang saya
Ikaw lang ay kumpleto na
Nang tinanggap ang mga katuwiran Mo
Sa aking buhay, ngayo'y nagpupuri sa 'Yo
Sa sala ko'y Iyong iniligtas
Ng pag-ibig Mong walang hangga't wagas
Sa awa Mo (sa awa Mo) ako'y umaasa (umaasa)
Makapiling Ka'y tangi kong ligaya

Dinggin mo, Ama
Tinig ng pagsinta
Maglilingkod sa Iyo
Nawa'y tanggapin Mo, oh
Sa sala ko'y Iyong iniligtas
Ng pag-ibig mong walang hangga't wagas
Sa awa Mo (sa awa Mo) ako'y umaasa (umaasa)
Makapiling Ka'y tangi kong ligaya (makapiling Ka)
Sa sala ko'y Iyong hiniwalay
Ng pag-ibig Mong dalisay at tunay
Ang awa Mo (ang awa Mo), ang aking pag-asa (pag-asa)
Sa paraiso Mo'y makapiling Ka, whoa
Ikaw ang ligaya

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists