Panginoon ko, Ikaw ang Hari Dinggin ang awit ng papuri I Panginoon ko, Ikaw ang nagbibigay Ng liwanag dito sa aking buhay Kaya ngayon ay nasisilayan Ang ganda nito at kahulugan II Ikaw ang sandigan kung mayro'ng kalungkutan Ikaw ang pag-asa noon at kailan pa man Lagi kang nariyan hindi ako nililisan Sa aking puso Ika'y nananahan Nagpupuri ako sa Iyo, Oh aking Ama Dinadakila ang pangalan Mo sa t'wina Ikaw lang ang aking Dios Ikaw lang ang sinasamba Iniibig kita buong puso at kaluluwa III Panginoon ko, sa Iyo nagmumula Ang mga natatanggap na biyaya Basta't kasama Ka 'di ako nangangamba Salamat sa Iyong mga pagpapala IV Ikaw ang lakas kapag ako'y nanghihina Sa mga kalaban Ikaw ang aking sandata Eto ang awit ko inaalay lang sa'Yo Ngayo'y naririnig ng buong mundo Nagpupuri ako sa Iyo, Oh aking Ama Dinadakila ang pangalan Mo sa t'wina Ikaw lang ang aking Dios Ikaw lang ang sinasamba Iniibig kita buong puso at kaluluwa Kung pagsubok man sa aki'y dumating Sa tulong Mo ang lahat ng ito'y lilipas din Nagpupuri ako sa Iyo, Oh aking Ama Dinadakila ang pangalan Mo sa t'wina Ikaw lang ang aking Dios Ikaw lang ang sinasamba Iniibig kita buong puso at kaluluwa Nagpupuri ako sa Iyo, Oh aking Ama Dinadakila ang pangalan Mo sa t'wina Ikaw lang ang aking Dios Ikaw lang ang sinasamba Iniibig kita buong puso at kaluluwa CODA Iniibig kita buong puso at kaluluwa