Ako'y nagkamali at tumalikod sa'yo Sinubukan lahat ng layaw sa mundo Naligaw ng landas sa aking paglayo At hindi ko alam kung saan patungo Ngunit sa akin ay hindi ka nagkulang Hindi mo ako pinabayaan Kahit nilimot ang iyong kabutihan Hindi mo ako iniwan Lagi kang nandyan Naghihintay lang Tinatawag mo Ang aking pangalan Ako'y nagbabalik sayo'y lumalapit Na muling madama yakap mong kay higpit Sa pagdurusa tila walang pagasa Saka ko naalala na nariyan ka Muling narinig ang iyong pangako Ngayo'y nagsisisi at nagsusumamo Kahit marami ang aking oagkukulang Hindi mo ako pinabayaan Sa lahat ng aking mga kabiguan Hinding-hindi mo ako iniwan Lagi kang nandyan Naghihintay lang Tinatawag mo Ang aking pangalan Ako'y nagbabalik sayo'y lumalapit Na muling madama yakap mong kay higpit Ama, patawad Sa piling mo'y ako'y nagbabalik Lagi kang nandyan Naghihintay lang Tinatawag mo Ang aking pangalan Ako'y nagbabalik sayo'y lumalapit Na muling madama yakap mong kay higpit Ama, patawad Sa piling mo ako'y nagbabalik