Kishore Kumar Hits

ASOP - Sa Bawat Araw lyrics

Artist: ASOP

album: Asop Year 3


Sa t'wing aking namamasdan lawak nitong langit
Lumalakas ang tinig Mo na walang makahihigit
'Di makubli ng damdaming umawit
At ang pasasalamat kong sa'Yo ay masambit
Sa bawat araw may umagang kay sigla
Nadarama'y umaapaw na pagsinta
Sa gitna man ng pagdurusa
Magpapatuloy ang puso kong awitan Ka
Ikaw ang tunay na kaibigang 'di mapapantayan
Sa pagdating nitong unos, Ikaw ang kublihan
Dahil sa'Yo napapawi ang luha
Nasisilayan ang kislap ng Iyong mga likha
Sa bawat araw may umagang kay sigla
Nadarama'y umaapaw na pagsinta
Sa gitna man ng pagdurusa
Magpapatuloy ang puso kong awitan ka
Habang may'rong buhay
Hanggat may hininga
Hindi magsasawang pasalamatan Ka
Sa bawat araw may umagang kay sigla
Nadarama'y umaapaw na pagsinta
Sa gitna man ng pagdurusa
Sa gitna man ng kasawian
Hanggat may himig ang musika
Magpapatuloy ang puso kong awitan Ka Oh Ama
Oh Ama

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists