Ito'y isang giyera ng sarili Ako ang lumikha na mag-isa Kasalanan kong di mapatawad Laging may away sa 'king mata At ito'y nagbabaga, nanghihila pababa Boses ko'y humihina, di na babalik Ang dating kinagisnan, di na kaya ang pasan Meron bang pupuntahan dapat bang may masaktan? Ininom ko ang lason, ako ba ay duwag? Mapagkunwari? Ang peke at huwad? Di makakilos nakabalot sa tinik Walang katapusang paghihimagsik Itong duelo- takot sa 'king anino Nakikipigdigma sa 'king kaluluwa Mga anghel na di na dumating Pag-asang tinangay na ng luha Nagising sa pagkakahimbing Sa katapusang laging nagbabanta Ininom ko ang lason, ako ba ay duwag? Mapagkunwari? Ang peke at huwad? Ang isipan ko, naglalabang mga tinig Kailangang ibalik ang tapang at bagsik Humarap sa nakaraan, sa iyong pinagmulan Hanapin ang rason kung bakit ka ganyan Walang sasagot sa iyong mga tanong Ang iyong mga sigaw animo'y parang bulong. Hawiin mo ang mga ulap, pagbabago'y magaganap Sa salaming binasag mo, magtatapos itong duelo. Para sa iyong landas na naligaw Para sa mga api, na di makasigaw