Kishore Kumar Hits

Agaw Agimat - Tuta lyrics

Artist: Agaw Agimat

album: R-15


Mabait na aso sa maamong amo
'Di tinatali, 'di sinisipa
Pinapaliguan, alagang-alaga
Mabait na aso sa maamong amo
Handang ipagtanggol sa anumang gulo
Anumang oras, anumang minuto
Bakit kaya itong kilala kong aso'y matanda na?
Ang tanda-tanda na
Tuta pa rin, tuta pa rin
Tuta pa rin ng kanyang amo
Bakit kaya itong kilala kong aso'y matanda na?
Ang tanda-tanda na
Tuta pa rin, tuta pa rin
Tuta pa rin ng kanyang amo
Among Amerikano
Mabait na aso sa maamong amo
Sumusunod kahit saan tumungo
Tumatango, oo lang nang oo
Mabait na aso sa maamong amo
Kahit niloloko, dinadaya't ginagago
Tuwang-tuwa pa rin, tuwang-tuwa pa rin sa kanyang amo
Bakit kaya itong kilala kong aso'y matanda na?
Ang tanda-tanda na
Tuta pa rin, tuta pa rin
Tuta pa rin ng kanyang amo
Bakit kaya itong kilala kong aso'y matanda na?
Ang tanda-tanda na
Tuta pa rin, tuta pa rin
Tuta pa rin ng kanyang amo
Among Amerikano
'Di ba kayo nagtataka, namamangha, nalilito?
Taon na ang nagdaan, tuta pa rin itong aso
'Di ba kayo nagtataka, namamangha, nalilito?
Taon na ang nagdaan, tuta pa rin itong aso
Tuta pa rin itong aso, tuta pa rin itong aso
Tuta pa rin itong aso, tuta pa rin itong aso
Tuta pa rin itong aso, tuta pa rin itong aso
Tuta pa rin itong aso, mga tuta sa gobyerno

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists