Habang ikaw ay natutulog Ako naman ay nagising At naupo sa may bintana At nakisama sa 'yong paghimbing Sarap mong lambingin Lalo na't madilim-dilim Habang ika'y natutulog ♪ Inaantok ang umaga Ayaw bumangon, tinatamad Ikaw naman ay nananaginip Sa mga ulap ay lumilipad-lipad Sa'ng langit napadpad? Nais kong sumabay Habang ika'y natutulog Kaibigan, kasama Kahati, kabiyak sa luha't halakhak Kapiling, kasiping Umaga na, mahal, sa silid ng pag-ibig ko ♪ Tahanan, silungan Supling at kapatid, kaakbay at kaakay Karamay sa buhay Umaga na, mahal, sa silid ng pag-ibig ko