Tipo bang walang magawa Tipo bang sawang-sawa ka na sa buhay Ganyan ang pirming nangyayari Sa laging nakakulong sa bahay Hindi sapat ang managinip na lang buong araw 'Di sapat ang magkamot na lang ng tiyan Ang tanging gamot sa kainipan ay Maglakad, maglakad sa lansangan Maglakad, maglakad, kay raming makikita Maglakad, maglakad, igalaw ang 'yong paa Maglakad sa lansangan Isuot ang 'yong sapatos, tsinelas o bakya Kung ika'y ganahan ay puwedeng magpaa At maglakad nang dahan-dahan, huwag kang maghabol Iyo ang panahon, easy lang Maglakad, pagmasdan Sari-saring hayop Mga manok na nagtatawiran Asong nagliligawan (aw) Pusang nagpapaaraw (meow) Naliligong kalabaw Kambing nagmemeryenda At marami pang iba ♪ Maglakad, pagmasdan Sari-saring mga tao Mga lolang nakatabako Mga nagkukutuhan sa hagdan (huli ka) Mga lolong de-baston Mga batang walang pantalon Nagkekembutang mga dalaga At marami pang iba Alam niyo (oh, ano?), kahit matanda na ako, eh Mahilig pa rin akong manood ng mga chicks (pare naman) Problema nga, eh, laging naninigas itong aking tuhod (ayan) Maglakad sa lansangan Sariwain ang isipan Tanggalin ang iyong inip Luwagan ang ulong naninikip Maglakad, maglakad sa lansangan Maglakad, maglakad, kay raming makikita Maglakad, maglakad, huwag magmadali Iyo ang panahon, easy lang Maglakad, maglakad Maglakad, maglakad Maglakad, maglakad Sige na Tara na