Nais kong lumipad tulad ng agila At lumutang-lutang sa hangin Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan Ngunit, ito ay panaginip lang At maaaring 'di matupad ♪ 'Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala Mga puno nito'y nangingibang bayan At 'pag walang puno, wala na ring mapupugaran Kapag ang agila'y walang pugad Wala na s'yang dahilang lumipad Oh, haring ibon, hari kong tunay Nais kong tumulong Nang kaharian mo'y muling mabuhay ♪ Kung nais mong makakita ng agila Huwag kang tumingala at tumitig sa langit 'Pagkat ang mga agila nitong ating bayan Ang iba'y nabihag na Ang natitira'y bihirang magpakita Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe Sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat Ang lahi ba nila'y tuluyan nang mawawala? ♪ Oh, haring ibon, hari kong tunay Nais kong tumulong Nang kaharian mo'y muling mabuhay Oh, haring ibon, hari kong tunay Nais kong tumulong Nang kaharian mo'y muling mabuhay